Posts

Showing posts from April, 2025

Mga Bagay na Niluluwa ng Utak no.3 (Triggered...)

Image
        N aaalala ko noong nagttrabaho pa ko kung gaano kasiksikan ang pag-uwi ng rush hour noong pre-pandemic. Ang byahe ko pa ay mula Ortigas pauwi ng Imus, Cavite. Iba't ibang klase ng tao makakasabay mo sa byahe. May pagkakataon pa ngang sa sobrang siksikan nyo na ay hinihingahan ka na sa batok ng taong nasa likuran mo (real life experience...). Aktibo ang kamalayan ko pag nasa kalsada. Parang lahat napapansin ko. Mahirap na, mahirap umuwing walang cellphone, wallet (o brip!) at iba pang bitbit mong importante. Dahil din dito madami akong napapansin, alam mo yung pakiramdam na para kang nanunuod ng sitcom habang kumakain ng hapunan? o nanunuod ng drama sa hapon habang nagtutupi ka ng mga tuyong sinampay? Ganun ang pakiramdam ko sa tuwing bumabyahe ako. Bukod pa yung mangilan ngilang pagkakataong makakasabay ka ng demonyong kumakain ng yumburger sa loob ng aircon na bus, at pagpapakain sa'yo ng buhok ng kadabi mo (wow ate. para akong kumakain ng spaghetti at ...