Posts

Showing posts from July, 2025

Twisted Tales: Tara na sa liwanag!

Image
  Magkahawak ang ating kamay... Oh! Nagising ba kita? Lito nga pala. Narration: Si Lito, gabay #012386 artistahin, palabiro, at mukhang madaming alam sa ginagawa nyang trabaho. Siguro dahil narin sa suot nyang puting tuxedo. Siya ang gabay ni Carl.  Carl... Asan ako? Narration: Si Carl, isang kaluluwa... at, walang maalala.   Lito: Dito nalang! Tara. Wag ka mag-alala, ako bahala sa'yo. Mahaba-haba pa lalakbayin mo. (Bumaba ang dalawa at umalis na ang kalesa.) Carl: Ah... Sige. San ba tayo pupunta? Lito: Tsk! Chill ka lang. Masasagot natin lahat ng katanungan mo isa isa. Kumusta pala pakiramdam mo? Pasensya ka na di ko man lang kita natanong... Carl: Ayos lang, eto parang nahihilo. Di ko alam ano nangyari. Nagising nalang ako sa boses mo.  Lito: Tsk. tsk. Didiretsuhin na kita. Dead na dead ka na, at ito ang kabilang buhay! Yey!  Carl: Ha? Teka... Pano? Hala. Di ko mainitindihan. Lito: Tsk. tsk. Alam ko... Lahat naman kayo e. Lahat naman tayo dumaan sa ...