Mga Bagay na Niluluwa ng Utak no.2 (Pandemic Edition)
G aya nga ng pinangako ko at eto na nga, muli kong nabuksan ang pintuan kung saan ko iniimbak ang mga laman ng malikot kong utak. Limang taon ang lumipas mula nung huli kong ilabas ang mga bagay na niluluwa ng utak. Madami ang naganap, narealize, experiences na di mo inaasahang mangyayari sa buhay ko ngayon. May nakakatuwa, nakakalungkot iba-iba. Pero isa lang masasabi kong sigurado. Madami parin akong gustong sabihin madami din akong gustong gawin. Pero Isa isahin natin. M alamang nakapanuod na kayo ng mga pelikula tungkol sa pandemya. PANDEMIC! May mga mangilan ngilang pelikula narin ang nagawa tungkol sa sakit na kulamat gawa ng katangahan ng iisang indibidwal na masarap patikmin ng isandaang uri ng kutos sa ulo. Ang katangahang makakapagpabago ng ikot at kagawian ng mga tao sa karaniwang panahon. PANDEMIC! Walang kasiguraduhan kung kelan ka makikipag eyeball kay Lord. Kelan mo maririnig yung " Tara na." galing sa namay...