Mga Bagay na Niluluwa ng Utak no.2 (Pandemic Edition)

         Gaya nga ng pinangako ko at eto na nga, muli kong nabuksan ang pintuan kung saan ko iniimbak ang mga laman ng malikot kong utak. Limang taon ang lumipas mula nung huli kong ilabas ang mga bagay na niluluwa ng utak. Madami ang naganap, narealize, experiences na di mo inaasahang mangyayari sa buhay ko ngayon. May nakakatuwa, nakakalungkot iba-iba. Pero isa lang masasabi kong sigurado. Madami parin akong gustong sabihin madami din akong gustong gawin. Pero Isa isahin natin. 

    Malamang nakapanuod na kayo ng mga pelikula tungkol sa pandemya. PANDEMIC! May mga mangilan ngilang pelikula narin ang nagawa tungkol sa sakit na kulamat gawa ng katangahan ng iisang indibidwal na masarap patikmin ng isandaang uri ng kutos sa ulo. Ang katangahang makakapagpabago ng ikot at kagawian ng mga tao sa karaniwang panahon. PANDEMIC! Walang kasiguraduhan kung kelan ka makikipag eyeball kay Lord. Kelan mo maririnig yung "Tara na." galing sa namayapa mong kamag-anak o kaibigan. Di mo alam kung kailan darating ang finish line mo, hatid ng iyong friendly, neighbor na nagpasaway dahil hindi makasunod sa simpleng panuto: "BAWAL LUMABAS!" (Kim Chiu... Hit it!)



"Sa classroom, may batas. Bawal lumabas, oh bawal lumabas"
-Kim Chiu 2020


    Ito ang ilan sa mga naganap, narealize at naexperience ko noong panahon ng PANDEMIC!

  • Exotic foods... Sinabawang paniki. Ang delicacy na to daw ang pinagmulan ng sakit? (Weh?)
  • Kasalanan talaga ng mga chekwa to e!
  • Excitement! Hinihintay mo nalang na may makasalubong kang zombie!
  • Hindi tinatablan ng covid ang mga pana at patan sa Dubai. 
  • Parang di rin tinatablan ng covid ang ibang kabayan.
  • Nakakabagot. Hindi rin masarap mag work from home. 
  • Mahirap maghanap ng trabaho. Sarado ang mga opisina.
  • Dalgona coffee! (never ko pang natikman.)
  • Ayuda ng gobyerno pero may bayad? 
  • Lockdown + Ramadan = Goodbye Love, Dubai.
  • Hirap bumyahe pauwi ng pinas. (Ansaket sa puso!)
  • Ang hirap din bumyahe sa eroplano ng may katabing aligaga. 
    Ibang iba ang scenario ng pandemic sa Dubai sa Pinas. Nakakapanibago. Pero sabi nga ni Dorothy sa The Wizard of Oz, "There's no place like home." Isa isahin ko ang mga naganap, narealize at naexperience ko noong panahon ng pandemya pagbalik ko sa pinas.
  • Pila-pinas is real. (Namiss ko to!)
  • Hindi mo mararanasan ang tunay na pagkabigla hanggat hindi ka dumadaan sa swab testing.
  • Face mask, ok. Pero, face Shield???
  • May pa-hotel ang papa Digs sa mga returning OFW! (yey!)
  • Naka-quarantine ka, hinde ka bakasyunista.
  • Covid 14 (Iba pa ba to Mayor? Haha!)
  • Hindi ko alam pero pakiramdam ko lumiit ang bahay namin. (Naramdaman ko rin to nung umuwi ako galing Saudi.)
  • Online lahat! From classes to concerts. 
  • Longhair era!
  • Ba-bye ABS! (Ang galing nila talaga umarte!)
  • Gamit na gamit ang food delivery apps!
  • Lumayo ka man sa akin... (Social Distancing is a must kasi!)
  • Walang social distancing sa Dubai. Parang Royal Rumble! Sa Pinas, we follow it by heart (may iba lang talagang clingy at ang hilig magdidikit.)
  • Green Thumbs: Rise of the Plantito and Plantitas
  • Aba! Walang trapik! 
  • Bago ka makapasok sa mall kailangan mong magfill up ng Health Checklist form. (Yare ka pag matanda yung sinusundan mo.)
  • Ambait ni chairman at mayor. (Sa susunod na halalan!)
    Madami pang mga ganap na pwede kong ilista pero ito lang ang mga tumatak sa isip ko noong kasagsagan ng pandemic. Kagandahan dito sa Pinas, madaming mga BPO companies na patuloy parin ang pagtanggap sa mga aplikanteng tulad ko at di nagtagal matapos kong lumapag sa Pilipinas ay natanggap ako sa isang BPO company sa Alabang. At nagpatuloy ang buhay. Di ko rin pinalampas ang pagkakataon para makapagbenta ng faceshield at facemask hanggang sa mag-normalize ang takbo ng buhay ng pinoy noong 2023(sayang dami ko pa di nabenta). Naaalala ko kung gaano kaganda pagmasdan ang malinaw na himpapawid ng Maynila mula sa bintana ng opisina namin. Parang naka 4k resolution yung bundok sa malayo hindi kasi natatakpan ng maitim na usok ng polusyon. Hindi rin nagtagal, unti-unti ulit ito natakpan ng maitim na usok. Gaya ng pagtatapos ng isang pagtatanghal sa teatro kung saan binababa ng dahan dahan ang telon. Tapos na ang palabas. Patuloy ang buhay. Bakunado na naman ang karamihan kaya makakain mo na ulit ang buhok ng katabi mong di marunong magtali na hinahain ng hangin sa siksikang multicab. Maiinggit ka na ulit sa kumakain ng Yumburger sa loob ng aircon bus kasi buong buo mo na itong maamoy dahil wala ka nang suot na face mask at face shield. Metal detector nalang at drumstick ang haharang sayo papasok sa mall. Patuloy ang buhay. Bumalik ang trapik sa kalsada, mga tao sa opisina, mga inuman sa kanto pero di na ulit magiging kayo (Hoy! Ba't ganun?). Nakakatakot kung magbabalik tanaw ka. Maiisip mo yung mga nakita mo sa balita sa Feeds ng soc med accounts mo kung saan naging real life horror experience ng ilang kakilala o kaibigan mo ang pagbisita ng Covid 19 sa kani-kanilang pamilya o sa kanila mismo. Mga mag-anak na namatayan ng di man lang nakapagpaalam sa isa't isa. Mga pangarap na nasayang. Pero may naituro ring leksyon ito para sa ating lahat. Natuto tayong alagaan ang sarili at ang kalikasan. Kahit likas na matiisin ang mga pinoy na-stretch pa natin to hanggang sa ma-lift ang state of public health emergency. Lumabas din ang pagiging malikhain natin lalo na sa pagbebenta ng kung anu-ano. Sana lang ay di na ulit kumain ng paniki ang mga chekwa(kung anu ano kasi kinakain e!).Ikaw ano ang kwentong pandemic mo? Kwento mo naman.

Nagmamahal,

Tito Jim



Comments

Popular posts from this blog

Twisted Tales: Lugawan ni Lolo Tasyo

A slice in a rest day no.1

Twisted Tales: Ang Regalo Ernesto