Usapang Eskwela no.3 (High school Adventures)
High school Adventures
Ayoko na sa Perps(noong mga panahong yon), di dahil sa di maganda ang institusyon, dahil siguro sa mga kaklase ko. May mga kaklase kasi akong di ko talaga feel. Pakiramdam ko na pag nagtagal pa ako doon ay ma-bubully ako kasi naglalabasan narin mga pagkakaiba ng mga hilig at ugali namin ng mga kaklase ko at pakiramdam ko na di ako makakasabay. Lumalaki na rin ang tuition noong mga panahong yon kailangan kong mag-adjust. Ang plano maghanap kami ni erpats ng school na malapit sa tinitirhan namin, yung walking distance to be exact. Tandang tanda ko pa noong naghahanap kami ng school ni erpats ay naabutan pa kami ng ulan. Ang eskwelahang pinuntahan namin noong araw na yon ay magsisilbi kong tahanan sa loob ng apat na makukulay na taon. Ito ang pinaka masayang yugto ng buhay estudyante ko ang pagpasok sa high school.
Nakakapanabik ang panibagong school year. Naaalala ko pa ang suot ko noong araw na yon, puting t-shirt na aircool, naka-kwintas na gold, maong at leather na sapatos na akala mo ay kabababa lang ng eroplano galing Saudi. Yon kasi ang pinasuot ng nanay ko. Ma-sepanx akong tao pero di ko akalaing sa punto ng buhay kong yon ay iiyak ako dahil iiwanan ako ng nanay ko sa school. T*ngina! Sa Fabella di ko naaalalang umiyak ako, ganun din sa St. Anthony noong prep ako kahit napapalibutan ako ng napakaraming batang umiiyak dahil ayaw magpaiwan sa magulang. Di rin ako umiyak noong unang pasok ko sa perpetual tapos ngayon kung kailang high school na ako, unang araw sa bagong eskwelahan, umiiyak ako dahil uuwi na sila ermats at ate kong pinsan sa bahay dahil hinatid lang nila yung baon kong lunch! T*ngina! Kahit ako di ko alam kung anong nangyari pero umiyak ako! Sinigurado ko nalang na walang makakakita o hindi mahahalata na umiyak ako. May mga kapitbahay at dating kaklase pa naman ako na kaklase ko na noong mga panahong yon kaya nakakahiya kung makikita nila akong umiiyak. Isa pa sa nakakahiya kong ginawa noon na sobrang sukot ay sinabihan ko yung lady guard ng school ang pangalan ng ermats ko para palabasin ako ng lunch time ko na di naman talaga kailangan. Iniisip ko kasi, baka magkakilala na si ermats at yung gwardya dahil nasa loob lang kami ng iisang subdivision. Nakakahiya ang unang araw ko sa high school pero nakapag move-on naman ako ng mabilis dahil kwela ang mga kaklase ko. Magaan ang loob ko kaya naipakita ko agad ang pagiging masayahin kong pagkatao. Tricycle papasok at maglalakad pauwi kasabay ang mga kaklase mong naglalakad din. Ganito ang naging araw araw na ginagawa namin ng mga kaklase ko, nakakapagkwentuhan pa kami ng mas mahaba pagkatapos ng klase, nakakatambay pa kami ito narin siguro dahilan kung bakit naging maskulado ang mga binti ko. Ang binti na binuo at pinagtibay ng apat na taong paglalakad at pagbibisikleta kasabay narin siguro ng pagiging aktibo ko sa larong basketball noon.
"Suck It!" Isang katagang usong-uso noong highschool ako. Isang kataga na galing sa D Generation X isang grupo ng mga wrestlers ng WWE(WWF noon). Isang katagang maglalagay sa amin ng mga kaklase ko sa isang debate kung bastos ba ang salitang ito laban sa class adviser namin na si ma'am Jesibel(minsan na rin syang nagalit sa isang kaklase ko matapos syang sabihan nito ng "karpa lang hindi pa alam."). Nadagdagan pa ito ng isang umaatikabong pagkukwento ng autobioghrapy ng may-ari ng eskwelahan namin nang magreklamo ang kaklase namin na merong nagsulat ng LAKI T*TE sa desk ng kanyang armchair. Noong panahon kasi na yon binigyan kami ng kalayaan ng school para lagyan ng design ang armchair namin. Nagkaroon kami ng isang mahabang deskusyon tungkol sa buhay ni Mr. Del Moral ang may-ari ng school na pinapasukan ko. Andami naming nalaman tungkol sa kanya mula sa kwento nya. Pumapasok sya sa school noong elementarya sya ng walang sando at bakat ang utong niya. Inampon siya ng kano na may isang malaking ref na puno ng ice cream at nakasuntok sya ng kano at dumugo ang ilong noong college sya, kung uso lang ang memes noong panahon namin malamang puro memes na inabot nya. Hanggang ngayon, sa tuwing magkakatagpo kami ng mga dati kong kaklase hindi mawawala sa kwentuhan at tawanan ang Alamat ni Marjolino. Best asset nating mga peenoise ang pagiging masayahin kaya nating pababain ang stress ng isang sitwasyon sa pamamagitan ng pag likha ng nakakatawang bagay tulad ng memes o pagbabato ng kung ano mang joke patungkol dito. Hinay hinay lang din sa pagbibiro, ipagsasaalang-alang narin natin biro na ibabato dahil baka nakakasakit na ng damdamin ng iba.
Isang maliit na compound ang eskwelahan namin, ang St. John Fisher School (SJFS), may dalawang building. Yung main building ay mayroong tatlong palapag at ang isa pa ay may dalawang palapag. Kung titignan mo ito mula sa labas ay para lang itong isang malaking bahay na may malaking gate na binubuksan lang sa twing maglilinis si Kuya Lando at Manang Bota ng school grounds at mga halaman sa paligid at ang main gate na parang gate lang din ng bahay namin kung saan nagbabantay ang pinaka-nakakatakot na lady guard na nakilala ko. Si Ate Glo. Kaya kang habulin nito at masundan sa pinagtatambayan mong bilyaran o kompyuteran kapag nag-cutting classes ka. Pagpasok mo sa loob ay mapapansin mo agad ang stage dahil sa pulang kulay nito at ang stage at ang gitnang kwarto sa likuran ng stage nagkukubli ang masasabi kong pinaka-mahusay na maestro noong highschool ako. Si Sir Ernie ang principal ng eskwelahan. Si sir Ernie ay isang terror teacher. Isang maling galaw mo yari ka. Pero cool syang teacher, nalaman namin ito noong tumagal tagal na kaming magkakasama sa iisang eskwelahan. Sa kanan ng school makikita ang dalawang mahabang lamesa at isang maliit na canteen. Sa dulo ng canteen ay may isang kwarto kung saan meron din nakalagay na mga mahahabang lamesa kung saan kami madalas kumain ng mga kaklase ko. Sa dulo naman makikita mo ang isang maliit na kwarto kung saan nagkukubli ang caretaker ng eskwelahan na si Mang Tito. Ang kwarto namin mula first year hanggang third year ay sa third floor ang dulong kwarto. tatlumpung estudyante kami. Karamihan sa kanila ay sa SJFS na simula noong grade 3 o grade 4 na sila. Hindi ako masigasig na estudyante pero ipinagmamalaki kong simula noong first year hanggang sa pagtatapos ko ay nasa star section ako dahil isa lang naman ang section ng bawat year level ng high school sa SJFS. Twing valentine's day ay may acquaintance party ang school kung saan nagkakakilala ang iba't ibang year level ng high school, wala naman kayong gagawin doon kundi kumain, magsayaw sayaw, walang alak kaya walang babaeng maghuhubad ng pang-itaas sa kainitan ng pagsasayaw. Si Tsong Bong ang una kong naging kaibigan sa school, buddy buddy kami magkasundo kami pagdating sa wrestling(tag team kami), nakikinuod ako sa kanila twing sabado dahil wala kaming cable TV noon. Palagi syang tinutuksong kalabaw dahil sa laki nya. Isang dahilan pa noon kung bakit sya tinawag na kalabaw ay palagi daw syang may piso sa loob ng tenga noong mga elementary pa sila. Di kami mahusay pagdating sa academics pero di mapapantayan ang kaalaman namin pagdating sa history noon parehas naming paborito ang history subject at minsan narin kaming nagkaharap sa Philippine History quiz bee noong first kami. Natalo kami parehas dahil sa isang tanong. Di siguro para sa amin ito noong taon na yon dahil pagdating ng second year namin nakuha namin ang medalya para sa Asian History subject bilang Tag team. Sa sobrang tuwa nga ni Tsong Bong ay nakuha pa nitong maitulak at mapatumba ang isang bookshelves na nagsisilbing pader sa kwartong pinagdadausan ng quiz bee. Napanalunan ko naman ang World History noong third year matapos di sya nakapasok para sa preliminary quiz para pumili ng mga lalahok sa quiz bee. Ang dalawang medalyang ito na napanalunan ko sa quiz bee lamang ang tanging bakas ng mga tagumpay ko bilang estudyante dahil wala namang medalya para sa top student noong prep hanggang grade 4 ako. Di naman ako naging honor student sa perps di tulad ng utol ko na humahakot ng medalya at tropeo sa eskwelahan na yon. Naging kasapi din ako ng Drama guild ng SJFS at ang adviser namin na si ma'am Jesibel(Di porke't Jesibel pangalan nya ay alam na nya lahat ng klase ng isda). Madaming mga bagay kaming natutunan kay sir Ernie isa na dito ang tinatawag na passive resistance ito ang isang paraan ng pagtutol sa awtoridad ng hindi gumagamit ng dahas. Isa sa mga gumamit ng paraang ito ay si Gandhi ginawa nya ito para tutulan ang Asiatic Registration Bill of 1906 na nais ipatupad ng mga briton sa India at China na kanilang nasasakupan noong mga panahong iyon. Teka, meron din tayo nyan sa pinas para mas maintindihan nyo ng mabuti at di na tayo mag-aksaya ng panahon para talakayin ang kasaysayan ng India. Ang isa pang halimbawa ng passive resistance ay ang EDSA People Power of 1986 yan... At! Itong passive resistance na ito ay ginamit namin sa isa sa aming values education teacher matapos di nito maisakatuparan ang una nitong sinabi na magkakaroon kami ng film showing sa kanyang klase noong araw na yon. Naawa ako sa teacher namin na yon dahil mabait ang guro na'to. Isang values education teacher din ang nabiktima ng klase namin di dahil sa passive resistance kundi sa pambubully. Traumatic siguro sa kanya ang unang karanasan nyang iyon sa pagtuturo. Kung pamilyar ka sa Jdrama na Gokusen ganun ang klase namin sa twing sya na ang magtuturo. May nagwawalkman, naggigitara sa likod na row, may nagchechess, nag-jajackstone(legit), nagliligawan, nagppraktis ng flute atbp. Ang mga nakikinig lang sa kanya ay yung mga class officer pwera nalang kung maisipan nilang mag-cutting para gumawa ng project para sa ibang subject o di kaya ay mag-MIRC. Ito rin ang panahong naguusbungan palang ang mga computer shop nun aka Kawnteran. Sa mga panahong ito ako natuto gumala ng husto pagkatapos ng klase. Tumambay sa kung saan man naroon ang mga kaklase. High school din ako unang natuto manigarilyo. Payo pa sakin ng kaklase kong babae na Philip daw ang pagpraktisan ko kasi menthol.
Kinalaunan ay nag-Marlborro Lights ako dahil ang tawag nila sa Philip ay yosi ng pokpok, hindi ko rin alam kung bakit. May mga pagkakataon pa noong fourth year ako na nagcucutting ako sa quarters ni Mang Tito, dinadalhan ko sya doon ng yosi at sabay kaming manunuod ng Eat Bulaga, Laban o Bawi dahil yon lang ang channel na nasasagap ng TV nya.
Ma-bully. Sino ba naman gustong ma-bully? Naranasan ko na ito noong nasa Tone ako at ayoko nang maulit ito pero di ko akalain na mangyayari ito ulit noong second year ako nang maisipan ng ilan sa mga babae kong kaklase na markahan ako bilang manyakis... Oo yung nanghihipo. Ni sa hinagap di pumasok sa utak kong laman ay puro paglalaro ng counter strike at diablo na umuubos ng bente at oras ko na manghipo ng s*so ng kaklase ko. Di naman sila ganun kalalaki mga hinaharap nila para hipuin ko. Ipinaranas sa akin ng buong klase ko ang silent treatment dahil sa isang bagay na di ko naman ginawa. Dahil sa iniiwasan ako ng mga kaklaseng dati ay kasa kasama ko sa lunch ay sumama ako sa grupo ng mga outcast sa klase. Sila yung mga walang pake sa kung ano mang kaganapan sa loob ng classroom dahil madalas silang wala dito. Sumama ako sa kanila sa mga trip nila. Masayang kasama tong dalawang to. Magpapaputok ng pla-pla(uri ng paputok na legal dati) na nakaipit sa libro ng kinaiinisan nilang kaklase. Maglaro ng PS(Plash Speed router https://www.youtube.com/watch?v=Cs0X7-aJXZo) PlayStation 1 pa noon. Kung saan saan kami tumatambay. Tinanong ko sila isang beses noong kasagsagan ng issue tungkol sa panghihipo ko ng s*so ng kaklase ko(alledgedy) kung alam ba nila yung tungkol sa binibintang sakin at natuwa ako sa sagot nila na wala silang pake sa mga pinagsasasabi ng mga kaklase namin. Ayos. Makalipas ang isang linggo ay nalaman ko na ginawa lang pala ito sa akin dahil trip lang niya. Wow! Buti na nga lang matibay ang mga bata noong panahon namin. Kung sakaling sa isang high school student ngayon nangyari ang ginawa sakin baka maging sanhi pa ng pagkadepress pa niya ito. Mahirap pa sa panahon ngayon, pwedeng pwede kang ma-bully ng di nakikilala kung sino ang umaapi sayo hindi tulad noong panahon na di pa uso ang internet kayang idaan sa square arreglo at maayos na paguusap na mauuwi parin sa suntukan dahil sa mga nambubuyo sa paligid(hawakan mo nga tenga? tapusin, tapusin, tapusin!). Hindi ko na nakikita ang ganitong tibay sa mga bagong sibol na kung tutuosin ay yung henerasyon ng kabataan namin ay mahihinang nilalang narin kung ikukumpara sa mga erpats at mga tiyuhin namin.
Parang atin ang gabi. Para bang wala tayong katabi at tayo'y sumayaw na parang di na tayo bibitaw. Isang kanta ng bandang Sugarfree na di pa lumalabas nung prom namin pero isa ito sa pinaka memorable na kaganapan sa buhay estudyante ng mga high school ito yung gabi kung saan pormadong paranga mga matinee idol at politikong trapo ang mga lalaki at mga prinsesa ang mga babae. Isang buwan ang preparasyon. Araw araw na praktis ng mga sayaw sa school grounds matapos ang klase. Dito ko unang narinig ang salitang Rigodon(Hindi yung pelikula Yam Concepcion. Hi! Babe). Pares pares kayo ayon sa height. Masaya ang preparasyon palagi kong nakikita si kras(Di ko na papangalanan).Si Kras ay ahead ng isang taon sa amin. Si Kras ang nakapareha ko sa sayaw na rigodon. Bukod sa pakikipagsayaw kay kras ay di ko malilimutan kung gaano kasarap ang pagkain. Dito ko unang natutunan ang paraan sa pagkain ng buffet. May libre akong tutorial kung gusto mong kumain sa buffet ng hindi ka nalulugi ituturo ko ito sa iyo ng aktwal walang theory, sabak agad pero ikaw ang taya. Huli na to tungkol sa prom. Alam mo ba na pinakasalan ni BonJovi ang kanyang naging prom date? Nabasa ko lang din ito, google nyo nalang. Umuwi din kaming masaya sakay ng lumang pyera nila Imben.
Madaming ala-ala ang ngayo'y pinagtatawanan namin ng mga dati kong kaklase pag nagkakasama sama kami. Isa na dito ang retreat namin noong huling taon namin sa high school kung saan nagpunta ang buong klase sa lugar kung saan nagpupunta mga air-con at electric fan pag hinayaan mong nakabukas ang pinto Baguio City! Bagonag nakatakdang araw kung kailan kami aalis papuntang Baguio katakot takot na paghingi ng permiso at pangungulit kay ermats para pirmahan ang waiver na nagbibigay pahintulot sa pagsama ko sa retreat pinaplano na nila kung ano ang gagawin bago umalis at kung saan kami magkikita kita na parang anlayo ng tirahan namin sa isa't isa. Isang ordinaryong araw sa klase, kasalukuyan akong abala sa pag-gawa ng Idituryal gamit ang notebook ni Ayson. Kaunting background, ang Idituryal ay ang pinagsama-samang comic strips na ginagawa namin habang nasa klase kami ang mga contributors nito ay sina Ayson, Imben, Rap-rap at Aries(matagal gumawa) ako ang editor in chief(iditur in chip) ng Idituryal. Hindi ito ang school paper, ito ang nagsilbing class paper pero comics ito. Ilang beses na itong kamuntikang makumpiska. Balik tayo, habang ginagawa ko ang idituryal ay nagyaya si Ram na doon sa kanila magkita kita sa gabi bago ang aming pag-alis papuntang Baguio. Ang bahay nila Ram ang tambayan ng buong klase. Doon kami naglalaro ng PS2, naggigitara, nag-iinuman. Panay kami yaya sa isa't isa na matulog na pero walang makatulog di dahil sa excitement kundi dahil ayaw naming mapagtripan. Hindi pa uso ang camera sa mga telepono noon dahil 3310 palang ang latest ng Nokia at di afford ng mga ordinaryong estudyante ang 7650 noon. Kaya ang gagawing trip sa iyo ay pisikal. Dadaganan ka ng kaklase mo o ng gamit na makikita nila o madodrawingan ka sa mukha. Pinapanuod namin ang JackAss grupo ito ng mga stunt performers na pinapalabas dati sa MTV channel. Dahil sa pinapanuod naming ito lalong walang gustong matulog. Madaling araw nang makumpleto kami at sumakay sa jeep na maghahatid sa amin papuntang Victory liner sa Pasay, dito kami sasakay ng bus papuntang Baguio. Dala ang gitara at gamit na tatagal ng tatlong araw at dalawang gabi naghintay kaming magkakalase sa pagdating ng bus. Habang ang iba ay nagkukwentuhan o bumibili ng pagkain sa labas ng istasyon ng bus kami naman nila Ayson at Imben ay naggigitara. Sa Victory Liner ko nakilala si Exmate(di pwedeng pangalanan, ex-textmate). Isasama ko siya sa kwento ko next time pati si Kras at iba pa(insert Iisa pa lamang ni Joey Albert).
May ilang beses na kaming lumalabas ng Cavite dahil sa mga school activities na pakana ni sir Ernie. Siya ang may pakana kung bakit nakapanuod kami ng Miss Saigon sa CCP noon si Monique Wilson ang gumanap na Kim ang bida ng naturang play hindi si Lea Salonga. Nakaapak na rin ako ng UP Diliman para manuod ng play na pinamagatang Oedipus Rex. Ito rin ang unang beses na sumakay ako ng MRT. Minulat kami ni sir Ernie sa teatro. Magandang karanasan para sa katulad naming ang mundo ay umiikot lang sa loob ng Molino. Nagising ako sa liwanag ng araw na sumisilip mula sa nakauwang na kurtina ng sinasakyan naming bus. Natutulog si Bughang sa tabi ko. Siya ang katabi ko sa buong byahe papunta at pauwi. Ang ganda ng tanawin. Puro palayan, puno, green lahat ang sarap tignan, nakaka relax sa mata. Mga lugar na ngayon ko palang nakita. mga bundok na abot tanaw mo. "Andito na tayo daddy James!" bungad ng katabi ko na gising narin pala. Easy lang daddy tawag sakin dahil ako daw ang tatay nya bukod dun wala nang ibang ibig sabihin bukod nalang siguro sa mukha na rin akong tatay at mukha siyang bata. Ramdam ko ang katangahan ko nang umihip ang malamig na hangin dahil sa nagsando lang ako. Sumakay kami sa FX papuntang Teacher's Camp kung saan kami mananatili sa loob ng tatlong araw. Ang plano ay hiwalay na bahay para sa babae at lalaki. Tinuro ni Sir Ernie ang quarters na titigilan namin katapat lang ng sa babae. Ang creepy ng painting sa pader parang sinusundan ka ng tingin. Makulimlim din ang paligid nang dumating kami sa lugar pero isa lang ang masasabi ko. Ang ganda ng paligid. Dudumi sana ako nang magsabi ang isa kong kaklase na kailangan naming lumipat sa bahay na tinutuluyan ng mga babae. Up and down ang bahay ang itaas ng bahay ay may malaking sala tatlong kwarto na may tig-iisang banyo kami naman ay pinapwesto sa dalawang kwarto sa ibaba kung saan naroon ang kusina, isang maliit na sala at isang wirdong pinto na may nakalagay na Billy Price. Palaisipan sa amin ang laman ng naturang kwarto. Unang araw namin sa Baguio ay nagpunta kami sa PMA tuwang tuwa ako sa museum. parang gusto kong tumira doon pero nakakatakot kaya di bale nalang. Magalang ang mga nakakasalubong naming mga kadete ready sila sa picture taking. Noong araw na iyon ay bumisita rin kami sa sikat na sikat na Burnham Park ang parkeng ito ay ipinangalan sa amerikanong arkitekto na nagdisenyo ng Baguio city si Daniel Burnham. Madaming activities ang pwede mo gawin dito pero di ko alam kung bakit pamamangka lang ang naaalala kong ginawa namin bukod sa pagtingin tingin sa mga chicks(sisiw). Kinagabihan, sumama ako kela sir Ernie at iba para bumili ng makakain namin para sa hapunan sa Session road(insert suntok sa buwan ng Session Road). Kaunting kwentuhan pagkatapos at syempre di mawawala ang kwentong katatakutan. Sa tagal ba naman ng Teacher's camp na itinayo pa noong 1908 ilang gyera narin ang napagdaanan nito kaya alam nyo na pugad narin ito ng katatakutan. Pangalawang araw, St. Joseph cathedral, Mines View park, The Mansion at Wright park at Strawberry Farm. Kinahapunan, gumala kami sa loob ng Teacher's camp. Dito ko napag-alaman na nasa gilid lang pala ng teacher's house ang Laperal White House isang bahay na sikat sa katatakutan. Nung marating namin ang gate ng Teacher's camp na malapit dito ay nagpasya na kaming bumalik, iba rin ang pakiramdam ko sa panahon na parang uulan. Pabalik ay iba ang dinaanan namin, nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa loob ng Teacher's camp at kaunti nalang ang natitirang taong nakakasalubong namin. Pumasok kami sa isang bakod sa pag-aakalang isa itong short cut. Natuwa kami dahil sa mga nakita naming lambaras, mga nakalatag na gulong sa lupa at iba pang mga bagay na kung titignan mo sa kabuohan ay parang isang obstacle course. Binilisan namin ang lakad at napatingin ako sa gilid. May classroom sa gilid at ang mga estudyanteng nakasuot ng pang pulis na uniporme ay nakatingin sa amin habang naglalakad kami. Lumabas kami sa nakita naming bakod at nakumpirma nga na may paaralan din ng pulis sa loob ng Teacher's camp. May nakita kaming puting gusali sa tapat ng tinawiran namin creepy ng gusaling puti na ito. Sa di kalayuan ay may nakita kaming bahayan at isang tindahan. Parang di dapat kami nandito. Naliligaw na kami nang makita namin ang isa pa naming kaklase na papalapit at itinuro sa amin ang daan. Nakita daw nya kami mula sa likod ng bahay habang dumadaan sa obstacle course kaya pinuntahan nya kami. Pagpasok namin sa bahay ay kwentuhan ulit, dito namin nakausap si sir Ernie na parang kaibigan lang namin. Nakakapanigarilyo pa kami sa harapan niya. Hinamon pa nito si Imben na pahabaan ng maibubuga na usok kung saan natalo si Imben dahil si sir Ernie ay nagbuga ng usok galing sa yosi nito. Ikatlong araw, nagkaroon kami ng open forum, napagtibay nito ang samahan naming magkakaklase dahil nakapag labas kami ng sama ng loob sa isa't isa nasabi namin mga saloobin namin na akala mo ay di na magkikita kahit kailan. Ang sarap sa pakiramdam noong araw na iyon.
Ito ang ilan sa mga bagay na kakaiba na nakita namin sa Baguio.
"And if you're not down with that! We got two words for you!"
-Tsong Bong

- Straberry Taho
- Strawberry farm na wala gaanong strawberry
- Barell Man
- Murang Gulay
- Magandang tindera ng walis tambo
- Jeep na naka-aircon
- FX na walang aircon
- Cannon road (Kennon Rd)
- Siver shop sa Mine's view
- Keychain na Tite
- Tindahan ng keychain na tite na walang bantay
- Tindahan ng iba't ibang keychain na walang bantay
- Magsyotang hindi legal na nagde-date at walang bantay(joke)
- Mga estudyanteng chicks
- Yung kadeteng panay yesser!
- Puno sa PMA na may hagdan sa loob.
- Mandurugas na vendors na sumasampa ng bus
- Kuya magkano po chicharon = Pabili ng chicharon
- Kuya magkano po zesto = Pabili po ng zesto
"Langyang tubig yan. Lumalabas ng mainit sa gripo tapos pag binuhos mo malamig na!"
-Imben
-Imben
Ilang linggo ang nakalipas mula nang mag-Baguio kami ay nagsimula na kami sa paghahanda para sa graduation. Wala na masyadong kaganapan sa mga panahon na ito bukod sa nagkaroon kami na maghanap ng mga eskwelahan na mapapasukan namin para sa kolehiyo. Nakakahiya parin ang ugali ko nitong mga pahahon na ito na walang ibang ginawa kundi ang magpatawa na tinutugunan ng awkward silence ng mga nakakasama ko. Panay parin ang cutting namin nila Ayson, Raprap at Imben para maglaro ng Battle Realms. Tumatambay parin ako sa quarters ni Mang Tito para mag-yosi at manuod ng Laban O Bawi(Get get aww!). Isang linggo bago ang graduation. Alam na namin na lahat naman kami gagraduate. Wala akong paki sa resulta ng grades ko noon at parang kahit si ermats ay di narin ito hinahanap natatabunan narin kasi ng pamamayagpag ng kapatid kong babae sa Perps noong panahong yon. Buong fourth year ko ay hindi nakita ng magulang ko ang report card ko. Sabi ko pa sa sarili ko isang bagsakan nalang ng paddle kay ermats. Alam ko kasi na madami akong palakol sa report card ko. Hanggang sa sumapit na nga ang araw ng graduation namin na ginanap sa kabilang campus ng school namin. Noong mga panahon na yon muntik na akong umatend ng graduation na walang kasamang magulang kung di ko pa sasabihan si ermats na gagraduate na ako isang araw ng graduation ko. Ganun ako kamahal ng magulang ko. Kung sa iba may handaan, ako, paguwi ko sa bahay isang tanong lang nakahanda para sa akin, nasaan na yung belt ko? Malay ko sa belt na yun? Nakakapagtampo ang treatment sakin ni ermats noon dahil di ako namamayagpag sa eskwelahan, wala gaanong ganap, nganga. Pinabayaan ko nalang. Buti nalang may mga handa sa mga bahay ng kaklase ko kung saan ako nakikain. Ito ang ilan sa mga di ko nabanggit na ganap at mga tao noong highschool ako.
- Nag-scouting kami noong first year imbes na CAT.
- Pinaka-madilim ng buhay highschool ko ang second year.
- Idol ko si Taulava kaya pilit kong ginagaya ang haristyle nya.
- Isang araw bago ang isang school play kung saan ako ang gaganap na bida. Binulutong ako.
- Linggo ng wika, nag-rap kaming ng mga outcast sa harap ng madla.
- Sportsfest nasunog ang mukha ng isa kong kaklase dahil sa isang maling stunt.
- Pangalawa sa listahan ng estudyante sa lesson plan ng teacher namin ang apilyedong nagsisimula sa letter N kahit may iba pang nagsisimula sa A at B.
- The Louis Pateur Incident - Sir Ernie: Remove the "S" in Loius Pasteur's name and say it again.
Classmate: Loui Pateur!
Class: *awkward silence* (laughing in subtitles) - The Sili Incident - Napahiran ng sili ang flute ng isa kong kaklase dahilan para magmukha syang me bigoteng pula.
- The Napahiran incident - May bahid ng jebs ang likod ng pantalon ng classmate ko dahil jumebs sya pero dineny na at sinabing "Pinahiran lang ako nung bata."
- Jesan, ang hapon kong classmate na binully. Sinubukan kong turuan ng basketball pero di kaya ng isang araw. LOL!
- Daniel, ang classmate kong laking taiwan na naaccelerate after 3 months dahil advance na mag-isip. Baliw eh.
- Mark Jones - ang helper sa canteen na bato bato ang katawan pero bading pala.
- Ang pagtatakip ng plywood ni Kuya Lando sa nahulog na jebs ng isa kong classmate imbes na i-mop.
- Project rebulusyon - sa tuwing gagabihin kami ng uwi kailangan kong sumama hanggang sa tapat ng bahay nila Imben para isigaw na "Bukas ulit Imben. Kailangan na natin tapusin yung project!" para hindi sya pagalitan ng magulang nya. Gamit na gamit pangalan ko kela Imben.
- Wala pa kaming cellphone noon pero alam namin kung saan namin hahanapin ang mga kasama namin magcutting sa pamamagitan ng pentel pen.
- Fake Band practice - Nagplano kami mag-over night sa bahay nila Ram pero at ang palusot namin ay may practice kami ng banda.(kung makikita nyo lang mga itsura namin dati.)
- Ang napiling na kanta ng batch namin para sa graduation namin ay ang Graduation ni Vitamin C. Walang magawa ang school. Haha!
Muli kaming nagkita kita ng mga classmate ko after graduation, isang huwebes santo sa bahay ni sir Ernie matapos itong magimbita para mag-inuman. Sa ngayon, may kanya kanya na kaming mga pinagkaka-abalahan sa buhay, may mga may pamilya na at tulad ko nasa ibang bansa rin para magtrabaho. High school ang pinaka magandang stage ng pag-aaral ng bawat bata kasi sa panahong ito natututo silang mag-explore at matuto ng kung anu-ano. At dito nagtatapos ang aking highschool adventures ko. Madami narin akong narinig na iba pang kwentong highschool kahit sa asawa ko narinig ko na at aaminin ko na weak pa itong mga pinagdaanan ko. Ikaw? Ano kwentong high school mo?
Comments
Post a Comment