Usapang Eskwela no.2
Usapang Eskwela no.2
Ayaw na ayaw kong maglipat simula't sapul. Hassle! After ng school year namin noong Grade 4 nagdesisyon ang mga magulang ko na lumipat na sa binili nilang bahay sa bayan ng mga tahong at talaba, anting-anting at mga Revilla, Cavite (insert Cavite Hymn)! Noong bumibisi-bisita palang kami dito ayaw na ayaw ko yung lugar na napili nila magulang ko para lipatan. Walang TV, ang paraan ko para makinuod ng TV noon ay uupo ako sa likurang pintuan namin para masilip ang pinapanuod ng kapitbahay namin sa likod. Walang ibang gagawin kundi maglampaso dahil sa lingguhan nga lang kami umuwi, nadadatnan namin na maalikabok ang bahay. Anlayo sa mga pinsan ko sa Paco, wala akong Wala akong kakilala, si pareng Mac lang kalaro ko at kapatid nyang si Toki. Pero nakakaaliw yung paligid kakaiba para sa isang batang maynila, lumabas ang pagiging ignorante ko. Probinsyang probinsya ang nilipatan naming lugar. Naaalala ko pa si Kuya Berto at ang kanyang mga RC(remote controlled) na eroplano, oo! EROPLANO! Para sa batang ang laruan ay action figure lang na Cable(X-Men) at Robocop na kupas ang meron nakakapaglaway ang makakita ng RC na eroplano na mapapamura ka kasi lumilipad talaga. Tuluyan na nga kaming lumipat sa Cavite. Ito yung mga panahong sikat na sikat ang mga "tunog kalye" sa radyo. Bumibisi-bisita din si lolo Ret para bantayan kami dahil nga parehas na pumapasok ang mga magulang namin sa trabaho. "Sa Perpetual ka mag-aaral." Sabi ni ermats. Para sa akin, wala akong pake. Ano ba magagawa ko nanay ka, anak lang ako? Siyam na buwan mo akong dinala sa sinapupunan ko tapos kokntrahin kita? Mamimili pa ba ako? Nagsimula na ang proseso ng enrollment ko sa napiling eskwelahan ng ermats ko. Ang saya sumakay ng tricycle! Back ride pa ako kasi hindi na ako kasya sa loob yung kapatid ko nalang at si lolo Ret. Binababa-baba ko pa yung paa ko habang tumatakbo ang tricycle. Ambangis! Ang tibay ng LA Gear na shoes, bigay ni tito Bina galing tate! Di tulad ng Mighty Kid na suot suot ko dati na binili namin sa Otto. Dahil sa kalokohan kong ito naipamalas ko ang aking lihim na lakas. Napahinto ko ang sinasakyan naming tricyle sa pamamagitan ng pagkakaipit ng sapatos ko sa likod na gulong ng motor! Nagulat maski si manong sa angkin kong katangahan! "Aaaagggghh!" yan nalang ang nasabi ko habang nakikita kong unti unting lumalabas ang dugo sa sugat na gawa ng kalokohan ko. Dahil sa nangyari, dali dali kaming bumalik sa pagsakay sa tricycle at nagpatuloy sa paglalakbay papunta sa Perpetual para sa enrollment namin ng kapatid ko. Napakahalaga ng edukasyon para isantabi namin ang nararamdaman kong hapdi, kirot at sakit. Enroll now, sugat later! Alligator! Kasalanan ko rin naman. Napansin ng admin ang sugat sa binti ko at dinala naman nila ako agad sa clinic para linisan, lagyan ng betadine at gasa ang sugat na likha ng aking katangahan. Instant peklat!
Nagsimula na rin ang pagpasok ko sa school. Di naman ito katulad ng St. Anthony na walking distance lang at pwede mong lakarin kaya hatid at sundo kami ng school service. Di gaya ng St. Anthony ang Perpetual ay malawak, madaming damo at puno sa paligid at under construction pa kaya may makikita kang mangilan ilan na mga batang naglalaro ng batuhan ng buhangin pag recess. Di nalalayo ang ugali ng mga batang etivac sa mga batang Maynila. Hindi pinamumunuan ng mga pari at madre ang perpetual pero dahil narin siguro sa pangalan ng eskwelahan ay nagdadasal parin kami bawat simula ng klase kinaibahan lang dito yung binabanggit na patron sa dulo. Kung sa St. Anthony ay sa classroom lang ako madalas kumain o di kaya sa stage dahil palaging jam packed ang canteen sa Perps naman kailangan ko kumain sa canteen dahil dun din kumakain mga kaklase ko. Ngayon naglevel up na baon ko dahil meron na akong bente bukod sa baon kong lutong bahay. Dito ko nalaman na ang mahal ng benta sa canteen pero bili parin ako ng bili. Sa Perps ko unang naranasan ang sumali sa quiz bee, poster making contest(di naman ako marunong magdrawing), groupings para sa reporting at pag gawa ng kung anu anong project. Iba rin ang school fair sa Manila sa Cavite. Sa Manila may pa-perya, sa Cavite pasiklaban ng iba't ibang mga grade school level ang ganap ng School fair. Tug-o-war, Patintero at iba't ibang larong pang fiesta, pwera sa contestant na sumusuka dahil sa dami ng nainom na sofrtdrinks sa paunahang uminom ng softdrinks. Hindi din ganun kadami ang ala-ala ko sa Perps dahil dalawang taon lang akong nanatili doon bukod sa pagtatanong sakin ng classmate ko ng "halata ba?" habang paakyat kami ng hagdan. Iniisip siguro nito na magandang ideya na magtanong sa lalaki kung halata ba na hindi siya nakasuot ng bra. Syempre, sa pagkakataong iyon sasagot tayo ng makakatulong ng husto para sa kaligtasan ng dignidad nya kaya sumagot ako ng "ha? anong halata?" na agad namang nagtanggal ng pag-aalala nya(mwehehehehe).
"Ay! P*tangina."
-Manong driver
"Di ko na makilala ang iyong... ha!"
-Kjwan
Comments
Post a Comment