Usapang Trabaho no.1
Usapang Trabaho no.1
2007, ito ang taon kung kelan tumigil ako sa pag-aaral dahil sa pagkabangkarote ng insurance company (CAP Insurance) na sumasalo sa matrikula ko dati. Bayad nang magulang ko, sabi pa nga ni ermats "Wala ka pa, bayad na yan!" Sumabay pa na pare-parehas kaming magkakapatid na nag-aaral, lahat sa pribadong paaralan, ayaw ni ermats na mag-public school kami noon at dahil panganay ako sa tatlong sumpling, wala akong choice kundi ang mabawas ng pabigat sa gastusin. Napagdesisyunan kong mag-PMA (Pahinga Muna Anak). Sa mga panahong ito magkasintahan na kami ni misis at maging siya ay nagtatrabaho narin sa Robinson's Department Store sa Star Mall Alabang (Metropolis dati). Naisip ko, pang-date din yun kung magtatrabaho ako. Tama, inisip ko muna ang kalandian bago ang pagtulong sa magulang. Ganun talaga siguro, bata pa, mapusok, pabigla-bigla. Kalagitnaan ng taon sa aking pagkakatanda nang matanggap ako sa trabaho sa kauna-unahang pagkakataon. Ang una kong trabaho, service crew sa KFC. Matapos ang katakot takot na paghahanap ng trabaho sa Makati at Maynila sa Bacoor parin ang bagsak ko SM Bacoor is the place to be para sa akin. Lahat tayo may "first time" sa lahat ng bagay. Ito ang mga bagay-bagay na natutunan ko sa unang pagsabak ko sa trabaho:
-Mag-fill up ng E1, MDF at PMRF form (google nyo nalang kung para saan to, kasi ganun din ginawa ko).
-Pumila din ako sa Quiapo para kumuha ng NBI for local employment, yung kulay brown.
-Magpa-medical para sa trabaho, umihi at tumae kahit di ka natatae sa maduming CR para ilagay sa bote.
Dami kong natutunan at naranasan sa pagtatrabaho sa KFC ito ang ilan:
-Paano ginagawa ang paborito kong fried chicken.
-Gaano nakakadiri ang gravy (Oo! Nakakadiri sya.)
-Paano kumain ng funshots habang pinapalamig ito mula sa pagkaka-hango sa fryer.
-Paano magbuhat ng manager palabas ng mall papunta sa taxi dahil hinimatay ito dahil sa kakulitan kahit ilang beses na naming sinasabing sira ang fryer e pilit parin niya itong sinisindihan nabugahan sya ng apoy sa mukha at sunduin ito makalipas ng ilang oras (petiks!).
-Nalaman ko rin kung ano gagawin pag nahuli ang mayabang mong katrabaho na nagtatabi ng arrozcaldo para iuwi sa bahay.
-Ano ang itsura ng manager mo sa oras na malaman nya na may ginawang kalokohan ang paborito nyang empleyado.
-Gaano katapang ang dishwashing liquid na gamit sa mga fastfood chain.
-Gaano kababoy maghugas ng kubyertos, plato at gamit panluto ang mga DJ.
-Paano magsuot ng costume ng mascot (see photo below) at mag-mascot sa birthday at mall event.
-Nalaman ko rin na sa Imus lang pala nakalibing si Ernie Baron.
-Mamboso sa mga kolehiyalang nakapalda.
-Dito ko rin unang naranasan ang madelay ang sweldo ng dalawang buwan.
-Umuwi sa ibang bahay para makatipid dahil yung katrabaho mo ay may auto.
-Pumunta sa MegaMall.
-Maabutan ng bagyo sa loob ng mall.
-Maabutan ng bagyo sa loob ng mall.
-Nakakadiri ang mag mop ng suka ng bata sa gitna ng jam packed na dining area.
Comments
Post a Comment