Mga Bagay na Niluluwa ng Utak no.1
Mga Bagay na Niluluwa ng Utak no.1
Hindi ko sigurado kung ako lang ba ang nakakaranas ng ganitong pagkakataon. Mga moments na salita ng salita ang utak ko. Madaldal ang utak ko, mas madaldal pa sa akin. Malikot, kung anu-ano ang pinoproduce na minsan nakakainis na. Ang mga panaka-nakang pagkakataong ganito ay minsan binubuhos ko sa papel kaya nakakabuo ako ng tula, madaming tula, sobrang daming tula at ang paborito kong sulatan ay ang likod ng mga resibo na matatagpuan ko sa bag ko. Minsan sa notebook. Naaalala ko noong una ko itong nagawa, highschool ako pinagawa kami ni Ma'am Jesibel ng tula para sa aming assignment. Wala akong maisip na idea kaya pinilit kong pigain ang utak ko at ang unang niluwa nito ay ang salitang Ano? Wala na akong pisikal na kopya ng naturang tula at sa tagal ay di ko narin ito maalala. Sa tuwing mag-isa sa byahe lalo na't naipit sa traffic. Bukod sa pagpapatulog ng katabi sa balikat ay gumagawa ako ng tula. Lahat ng mga sinusulat ko at maisusulat ko ay mga niluwa ng utak ko.
Madaming bagay sa paligid ang nagiiwan sa atin ng ala-ala. Ala-ala na magiging kwento mo sa pamilya, kaibigan at kakilala. Mga bagay na parang bakas ng paa na umaapak sa utak natin na parang buhangin. Ayon sa psychology professor ko nung college ang utak daw ay parang sponge at ang mga bagay bagay, pakiramdam, kaganapan ay parang tubig na inaabsorb nito. Ang mga bata daw ang pinaka-magaling mag-absorb kaya kung mapapansin mo magaling mang-gaya ang mga bata. Lahat ng nakikita nila sa paligid tulad ng ginagawa at ugali ng mga tao sa paligid ay madali nitong nagagaya. Kaya hanggat maaari maging magandang ehemplo sa harap ng mga bata. Kailangan pakitaan mo sila ng mga bagay na maganda para maabsorb nila. Hindi rin sila dapat dinadaan sa pananakot tulad ng ginagawa ng mga nakasanayan natin sa mga dating nag-aalaga sa atin. "Sige ka! May mumu jan!" Naalala ko yung isang libro ni Jessica Zafra na 500 People you meet in hell isa sa 500 People na yun ang Yaya mo na pinapalo ka tapos pag umiyak ka ay sasabihin sa'yo na "Pag di ka tumigil sa kakaiyak, kakainin ka ng aswang/bumbay/intsek!"(Tinagalog ko lang...) Para sa akin, bago ka dumating sa paninindak daanin mo muna sa magandang pakiusapan. Saka ka na pumunta sa pananakot pag ayaw talaga sumunod(pero mas trip ng mga tito at tita ang mag-paiyak ng mga bata). Sa twing naiisip ko ito, naaawa ako sa mga pamangkin ko pero kailangang meron silang katakutan at ako ang willing provider ng pananakot na yon. Mababait kasi mga pinsan ko at ang mga katulad namin na dumanas sa old school na paraan ng pagde-disiplina ng bata ay ayaw nang iparanas ito sa kanilang mga anak. Iba ang pananaw ko pagdating dito. Hati ang pananaw ko pagdating sa corporal punishment, totoo na makakapagpatibay sa bata ang ganitong paraan at makakapagbigay ng takot pero sa ganitong paraan din maguumpisang matuto magsinungaling at magtago ng saloobin at iba pang bagay ang bata sa iyo. Para sa akin, ang magandang gawin ang 3 strike rule, ang paraang ito ay ang pagkausap sa bata ng hanggang tatlong beses at kung di matuto o hindi makining dun na papasok ang parushan. Mas mabuting kausapin ng maayos ang bata kung sakali mang magkamali. Sa ganung paraan, mas maiintindihan nito ang nais mong iparating. Maipapaalam mo kung ano ang tama sa mali. Mapapaisip rin ito sa mga susunod nitong gagawin kung sakali mang may kalokohang pumasok sa utak nito.
May mga araw na bigla nalang wala nang lumalabas sa utak ko isa ito sa dahilan kaya madami akong mga ginagawa na di na natatapos pa. Mga obra sana pero napunta lang sa wala.
May mga araw na bigla nalang wala nang lumalabas sa utak ko isa ito sa dahilan kaya madami akong mga ginagawa na di na natatapos pa. Mga obra sana pero napunta lang sa wala.
Nagmamahal,
Tito Jim
Comments
Post a Comment