Posts

Showing posts from June, 2025

Twisted Tales: Lugawan ni Lolo Tasyo

Image
"Oh! Halika. 'Wag kang mahiya, daming mauupuan sa loob," masiglang bati ni Ella , habang pinupunasan ang mesa. Kahit matao, tila sanay na si Ella sa dagsa ng tao sa kanilang munting lugawan sa may Paco .  Si Ella , may maamong mukha at magaan na ngiti, ngunit may mga matang tila'y marami nang nasaksihan—mga alaala ng panahong lumipas, at ng mga taong dumaan at naiwan sa kanilang munting lugawan. Ang kanyang mga kamay ay may kalyo, palatandaan ng mga taon ng walang humpay na pag-aasikaso ng kainan. Ngunit sa bawat kilos niya, may lambing at katiyakan—parang ina sa lahat ng dumarayo. "Sa itsura mo, hindi lugaw ang pakay mo rito, kuya. Uminom ka muna ng tubig. Hayaan mo, bibigay ko sa’yo ang aming bestseller—Special Recipe ni Lolo Tasyo. Subok na 'yan ng panahon. Tanungin mo pa sina Ninoy o si Jawo!" Napakunot-noo ang binatang customer. "Jawo, yung basketball player?" Tumawa si Ella. "Oo, kahit siya nadapa sa sarap ng lugaw namin. Pero s...

Erpats no.1

Image
    T atlumput-walong taon sa mundo, Dalawampung taong pagsasama, Halos siyam na buwan, Isang araw. Ngiti sa labi at nangingilid na luha sa mata. Tinitignan ang isang anghel na nagpapalakas sa loob ng isang incubator, salamin lang ang namamagitan. Sa isip ko... kailan ba kita makakarga? Ito ang nararamdaman ko noong una kong makita ang anak ko. Biruin mo, pagkalipas ng mahabang panahon, dininig din ng maykapal ang panalangin naming mag-asawa na magkaroon ng anak. Buo na ang pamilya namin. May isang maliit na sanggol ang pagbubuhusan namin pagod at panahon. Iba ang kaba na dala sa akin bilang first time dad. Nakaka-stress yung magkahalong saya, kaba at pag-aalala.      K ung unang beses mo rin na maging tatay. Hayaan mong ibahagi ko sayo ang listahan ng mga bagay na kailangan paghandaan at napagtanto ko bilang isang first time dad.  Mahabang pasensya. Oo, alam ko mahaba ang pasensya mo. Pero... mas habaan mo pa. Isa ito sa mga bagay na binagsak ko sa checkli...

Twisted Tales: Ang Regalo Ernesto

Image
Kabanata 1: Ang Baul Tahimik ang gabi sa lungsod ng Makati. Sa ika-labingdalawang palapag ng isang BPO building, nakaupo si Ernesto , suot ang kanyang headset, hawak ang isang lumamig nang tasa ng kape, at pinipilit hindi antukin habang kausap ang isang reklamador na kliyente mula sa Amerika. “ I understand your frustration, ma’am, ” sabay buntong-hininga. Matapos ang walong oras na shift, napabagsak si Ernesto sa pantry. Doon niya muling nakita si Kulai —ang kanyang office mate at ka-lunch buddy. Nakaayos na naman ito, may bitbit na Tupperware na may adobo. Umupo ito sa tapat niya, ngumiti. “Lugaw ka na naman?” biro ni Kulai. “Wala pang sahod, eh. Saka masarap ’to pag malamig ang gabi,” sagot niya sabay ngiti rin. Panandaliang tahimik ang paligid. Sa gitna ng pagod, ang tanging pahinga ni Ernesto ay ang mga munting usapan nila ni Kulai tuwing lunch. Minsan naiisip niya, “kung wala siya, baka nabaliw na ako sa call center na ’to.” Pagsapit ng hapon, pag-uwi niya sa inuupahang kwa...