Posts

Showing posts from February, 2020

Usapang Eskwela no.3 (High school Adventures)

Image
High school Adventures     A yoko na sa Perps(noong mga panahong yon), di dahil sa di maganda ang institusyon, dahil siguro sa mga kaklase ko. May mga kaklase kasi akong di ko talaga feel.  Pakiramdam ko na pag nagtagal pa ako doon ay ma-bubully ako kasi naglalabasan narin mga pagkakaiba ng mga hilig at ugali namin ng mga kaklase ko at pakiramdam ko na di ako makakasabay. Lumalaki na rin ang tuition noong mga panahong yon kailangan kong mag-adjust. Ang plano maghanap kami ni erpats ng school na malapit sa tinitirhan namin, yung walking distance to be exact. Tandang tanda ko pa noong naghahanap kami ng school ni erpats ay naabutan pa kami ng ulan. Ang eskwelahang pinuntahan namin noong araw na yon ay magsisilbi kong tahanan sa loob ng apat na makukulay na taon. Ito ang pinaka masayang yugto ng buhay estudyante ko ang pagpasok sa high school.    N akakapanabik ang panibagong school year. Naaalala ko pa ang suot ko noong araw na yon, puting t-shirt na aircoo...

Usapang Eskwela no.2

Image
Usapang Eskwela no.2     A yaw na ayaw kong maglipat simula't sapul. Hassle! After ng school year namin noong Grade 4 nagdesisyon ang mga magulang ko na lumipat na sa binili nilang bahay sa bayan ng mga tahong at talaba, anting-anting at mga Revilla, Cavite (insert Cavite Hymn)! Noong bumibisi-bisita palang kami dito ayaw na ayaw ko yung lugar na napili nila magulang ko para lipatan. Walang TV, ang paraan ko para makinuod ng TV noon ay uupo ako sa likurang pintuan namin para masilip ang pinapanuod ng kapitbahay namin sa likod. Walang ibang gagawin kundi maglampaso dahil sa lingguhan nga lang kami umuwi, nadadatnan namin na maalikabok ang bahay. Anlayo sa mga pinsan ko sa Paco, wala akong  Wala akong kakilala, si pareng Mac lang kalaro ko at kapatid nyang si Toki. Pero nakakaaliw yung paligid kakaiba para sa isang batang maynila, lumabas ang pagiging ignorante ko. Probinsyang probinsya ang nilipatan naming lugar. Naaalala ko pa si Kuya Berto at ang kanyang mga RC(remo...

Usapang Eskwela no.1

Image
Usapang Eskwela no.1     M aingay, matao, may mga umiiyak, may mga excited. Makulay ang lugar na ito sa iba't ibang paraan. Dito una tayong natuto na makisalamuha sa ibang tao sa labas ng pamilya natin. "Gumising ka na Jim may pasok ka pa sa school!"  Yan ang laging bungad sakin sa umaga ni Lolo Ret(RIP). Siya ang isa sa pinaka matagal na nag-alaga sa aming magkakapatid. Nasubaybayan nya ang unang pagpasok ko sa Fabella, di ko na matandaan ang buong pangalan ng pinasukan ko noong kindergarten ako. Isa akong batang Maynila noong 90's(represent!), di ko alam kung masaya ako noong mga panahong yon. Pero ito ang ilan sa mga natatandaan ko sa Fabella... Una, yung sobrang daming bata! As in, ang school na yun ay merong 6 na mahahabang lamesa kasya ang 14 na bata sa isang mahabang lamesa na iyon, tapatan. Tatlong lamesa para sa mga babae, tatlong lamesa para sa mga lalaki. Pangalawa, may blackboard na ginawang bakod sa bandang kanan at sa likod nito ay isang health cent...

Usapang Trabaho no.1

Image
Usapang Trabaho no.1     2 007, ito ang taon kung kelan tumigil ako sa pag-aaral dahil sa pagkabangkarote ng insurance company (CAP Insurance) na sumasalo sa matrikula ko dati. Bayad nang magulang ko, sabi pa nga ni ermats "Wala ka pa, bayad na yan!" Sumabay pa na pare-parehas kaming magkakapatid na nag-aaral, lahat sa pribadong paaralan, ayaw ni ermats na mag-public school kami noon at dahil panganay ako sa tatlong sumpling, wala akong choice kundi ang mabawas ng pabigat sa gastusin. Napagdesisyunan kong mag-PMA (Pahinga Muna Anak). Sa mga panahong ito magkasintahan na kami ni misis at maging siya ay nagtatrabaho narin sa Robinson's Department Store sa Star Mall Alabang (Metropolis dati). Naisip ko, pang-date din yun kung magtatrabaho ako. Tama, inisip ko muna ang kalandian bago ang pagtulong sa magulang. Ganun talaga siguro, bata pa, mapusok, pabigla-bigla. Kalagitnaan ng taon sa aking pagkakatanda nang matanggap ako sa trabaho sa kauna-unahang pagkakataon. Ang una...

A slice in a rest day no.1

Image
     K agabi, nanuod kami ng asawa ko ng Toy Story 4. Hilig kasi ni misis ang ganitong mga cartoons na pelikula at katulad ng kadalasang nangyayari hindi natatapos ni misis ang pelikula, nakakatulog na sya dahil narin siguro sa pagod. Sino ba naman kasing hindi mapapagod sa isang araw na pakikipagbakbakan sa byahe at trabaho? Kahit na sabihin pa na nakaupo kami, ang utak naman namin ang nagttrabaho ng husto. Mahirap magsalita ng magsalita sa loob ng 8-9 na oras sa opisina. Ibang usapan pa yung amoy ng mga tao na nakakasabay mo sa byahe. Nasanay narin ako siguro pero si misis kahit na matagal na sya e madali parin syang tablan ng amoy ng mga tao. Sa twing restday ko, katulad kahapon, di ako nakakapagpahinga, lalo na ngayon na halos ilang linggo palang kami sa bago naming tinitirhan. Hassle ang paglilipat, kahit kailan. Dahil sa paglilipat ay natambakan kami ng labahan kaya ang kalahati ng araw ko kahapon ay kinain ng paglalaba. Nakapagluto naman ako ng Lechon Kawali kasaba...