Twisted Tales: Lugawan ni Lolo Tasyo
"Oh! Halika. 'Wag kang mahiya, daming mauupuan sa loob," masiglang bati ni Ella , habang pinupunasan ang mesa. Kahit matao, tila sanay na si Ella sa dagsa ng tao sa kanilang munting lugawan sa may Paco . Si Ella , may maamong mukha at magaan na ngiti, ngunit may mga matang tila'y marami nang nasaksihan—mga alaala ng panahong lumipas, at ng mga taong dumaan at naiwan sa kanilang munting lugawan. Ang kanyang mga kamay ay may kalyo, palatandaan ng mga taon ng walang humpay na pag-aasikaso ng kainan. Ngunit sa bawat kilos niya, may lambing at katiyakan—parang ina sa lahat ng dumarayo. "Sa itsura mo, hindi lugaw ang pakay mo rito, kuya. Uminom ka muna ng tubig. Hayaan mo, bibigay ko sa’yo ang aming bestseller—Special Recipe ni Lolo Tasyo. Subok na 'yan ng panahon. Tanungin mo pa sina Ninoy o si Jawo!" Napakunot-noo ang binatang customer. "Jawo, yung basketball player?" Tumawa si Ella. "Oo, kahit siya nadapa sa sarap ng lugaw namin. Pero s...